Wednesday, August 5, 2009

walong araw

Mula noong nagtapos ako at kumaha ng board exam ay nasa bahay na lang ako. Tumutulong sa aking ina sa mga gawing bahay. Noong una, masaya ako sapangkat sa bahay lang walang iisipin pag natapos ko na ang gawian libre na akong gawin anuman ang gusto ko. Dumaan ang mga araw nakakabagot din pala yung ganun, namiss ko na gawin yung dati ko ginagawa busy busyhan kunwari.

Isang araw may kumatok sa aming bahay at may balitang dala. Ewan ko kung ano ang magiging reaksyon ko kung matutuwa ako o ano ba. Kase ang totoo sa pagkakaalam ko hindi naman ako nag-apply dahil nga hinihintay ko ang result ng board exam.sa result na yun nakasalalay ang aking mga plano na gagawin ko dahil gusto ko talaga maging nurse at makahanap ng trabaho na angkop sa profession ko. Tungkol doon sa trabaho na dumating, hindi ko yun inaasahan nagulat na lang ako “may trabaho ka na!”, ano yun maging? At doon inamin ng nanay ko, pabiro pala niya sinabi sa isang kakilala niya na ipasok ako sa tinatrabahuan niya. Aaminin ko noong una nag-aalangan ako tanggapin ko yun. i said to myself, “why should I enter that kind of job? I earned a degree! Di ako nababagay sa trabahong yun! ano na lang ang iisipin ng mga tao.” Sa kabila pag alinlangan ko tinangggap ko ang trabaho ewan ko kung bakit. Dahil seguro nasilaw ako sa 265php/day na sahod na hindi ko makukuha kung nasa bahay lang ako.

Sa walong araw na naging “promo girl” ako sa isang tindahan ng roasted chicken, marami akong natutunan. Unang araw pa lang nakita ko kung gaano ako kasuwerte kung ano meron ako sa buhay. I just smiled and silently told Him, “Ikaw talaga Lord ha, thank YOU ulit pinapaalala mo sa akin na mahal mo nga ako. I see Your purpose.” Nakilala ko ang aking mga katrabaho at nakita ko sa kanila kung gaano kaimportante at talagang pinapahalagahan nila ang trabaho. Ako? wala lang. wala lang talaga ako magawa kaya naghahanap ng makakaabalahan. Dumaan ang mga araw nakilala ko sila at kung ano pamilya meron sila. Ang swerte swerte ko nga talaga.

Sa tindahan na pinagtatrabahuan ko may nakilala ako isang bata ang pangalan niya ay Romeo sampung taong gulang. Likas na nga sa akin ang magtanong kaya nakipagkwetuhan ako sa kanya. Noong una nag-aalangan siya pero nakuha ko naman ang loob niya. Nalaman ko na wala na siyang ama at namatay na rin kanyang nag-iisang kapatid. May buhay pa ang kanyang ina ngunit siya ay pinalayas sa kanila. Gusto ko siyang tulungan. Ang naisip kong tulong ay ang dalhin siya sa DSWD doon makakahanap siya ng bagong pamilya na mag-aaruga sa kanya. Doon makakapag-aaral at makakain siya ng tatlong beses sa isang araw at may meryenda pa. Nabigla ako sa sinabi niya na ayaw niya doon kase nga di na siya makapaglakwatsa. Nasambit ko sa aking sarili bakit ayaw niyang tulungan ang kanyang sarili? Masaya na siya sa ganoong kalagayan? Batid ko ang panganip kung habambuhay siya sa kalye. Baka baling araw maging isa siya sa mga matinik na krimenal sa aming lugar kaya masakit isipin na mangyayari yun dahil lang sa walang ginawa ang kanyang magulang at ang komunidad na dapat gumabay sa kanya. Hahayaan na lang ba na mangyari ang ganoon? Paano kung siya mismo ayaw niya tulungan ang kanyang sarili mula putikan kinasadlakan niya?

Si Toto, isang baliw o agent? Sa walong araw ko tindahan andoon siya araw-araw na tumatambay. Sinisimulan niya ang kanyang araw na maligo sa poso, tinatanong namen kung may sabon siya at dali-dali naman niyang sinasabi na wala kaya binibigyan naming siya. Pagkatapos noon hayun sa kanyang “daily routine”. He able to do his activity of daily living without any assistance. Tuloy nasambit ko baka nagpapanggap lang ang taong ito na baliw baka isa siyang “agent” at may mission siya. Naalala ko yung naging patient ko sa isang psychiatric institution. Masuwerte yung patient ko kasi yung pamilya niya ay may malasakit sakanya. May pag-asa pa siya gumaling. Si Toto? Paano siya? Walang pamilyang nag-aalaga. Mabuti na lang ay may mga taong nagbibigay ng pagkain sa kanya araw. Mabait si Toto kaya nga di ako natatakot sa kanya makipag-usap at ginamit ko sa kanya ang natutunan ko sa Psychiatric Nursing. Sa aking pakikipag-usap, batid ko na uhaw siya sa pag-aaruga ng kanyang pamilya kitang kita ko yun. Masakit isipin na sa halip na tulungan siya ay pinatatawan at inaalipusta siya. Sino ang baliw ngayon? Matatpos na lang seguro ang aking walong araw sa trabaho ngunit siya mananatiling ganoon. Sana matangpuan ka ng iyong pamilya o kaya may mabuting puso na dalhin ka sa pagamutan para gumaling ka.

I thank GOD for the opportunity to met those people for me to learn how to be humble despite with those blessings that I received from Him. I believed He really prepare me for a big blessing and take care of it. You knew LORD what I’m asking for and it made me feel so grateful because You have prepare a great plan for me. For the opportunity You gave me, You made to be a better person and be thankful for all the blessings and trials He gave. I love You LORD. The more I know You, the more I fall in love with You.