Sunday, January 25, 2009
A coming exhausted days
A lot of stuffs to do and I think 24 hours is not enough to finish those things.
However, I still optimistic that we can do it.
ga-graduate din ako sana sa this coming March!
Sunday, January 4, 2009
Muling Pagkikita
“Muabot na jud siya. Sure jud ko. Kung wala pa siya karon maybe next Sunday naa na jud siya.”, nasambit ko sa aking sarili noong nasa bus ako at papauwi sa aming lugar.
Tama ako dumating na nga siya galing Manila. I’m glad to see him. Last December 21, 2008, Sunday at una naming pagkikita mula nang umuwi para mag Christmas vacation. Nagkita kame sa simbahan. Chance maybe? Kase papauwi na siya kasama ng kanyang kapatid na babae at ako kakarating ko lang galing Davao. Dumertso na ako ng simbahan para makapagsimba.
About the moment I saw him-parang wala lang. Oo nandoon nga siya, paki ko? Di na tulad noong dati. Dati rati kasi noong una siyang umuwi, first year college pa ako noon –palpitate noted, namumula, nanlalamig, di mapakali, di alam ang gagawin, di alam kung ano ang gagawin. Isn’t weird, right? Haay ewan. I don’t know what the exact word to describe myself that time. Nang Makita ko siya di na ako nagulat. Mukhang naihanda ko na nga ang sarili ko sa pagdating niya. Aaminin ko hanggang ngayon hirap akong kalimutan siya kasi nga wala akong sapat na dahilan na gawin yun sa kanya. Mula noong umalis siya, mga magagandang alaala na iniwan niya ay tanging binabalikan. Minahal niya ako at ganoon din ako sa kanya. I let him go for him to find her girl. But I didn’t give myself a chance to look for another guy to love and to be loved.
To tell you frankly, I’m happy the moment I saw him. Siguro meron pa nga natirang feelings but it’s not enough. Hanggang doon na lang yun. I need myself to be free from his shadow. It is true that as time goes by wounds will heal and the pain will ease but the scar still there which reminds the pain I feel before. I really don’t know the exact time but it will come. Soon!
Self Criticism
Naiinis ako sa sarili ko dahil tingin ko napakabobo ko. Mula sa mga lecture discussion na meron kami parang lahat ng yun ay walang naiwan sa utak ko. Haay, ewan ko ba. I feel guilty and pity about myself. I feel guilty because in my level I’m supposed to know everything but the truth is I am not that one. I feel pity about myself. Nakakaawa nga ako. I have something to do about it!
I listen with our class discussion, ward class, I read books and articles but I think it’s not enough. May mga pagkakataon sa mga clinical exposure namin na tinatanong ako ng Clinical Instructor namin pero hindi ako makasagot. In the moment that the Clinical Instructor will tell the answer and explain, sometimes I said to myself “alam ko yun ah nabasa ko na yun o nadiscuss na yun ng Clinical instructor naming last rotation bakit di ko yun nasagot?” Naunahan ako ng takot at pangamba baka mali ang sagot ko mas mabuti pa di sumagot at magkunwari na walang alam. I think this kind of attitude is bad and need to be change.
Alam ko na hindi naman ako ganoon katalino ngunit nais ko lamang na bilang isang estudyante dapat may alam ako nang magamit ko sa lahat ng oras. Isa pa mababa ang self-confidence ko may alam nga pero di naman alam kung paano ishare ang nalalaman sa iba o kaya walang lakas ng loob na sumagot lalo na pag oral recitation dahil mas iniisip ang sasabihin at iniiwasan na punain ng iba.
Kailan ako kikilos? Bukas? sa makalawa? Sa susunod na araw? Dapat ngayon na habang maaga pa at lahat ng pagkakataon ay nasa akin pa! Sa pamamagitan ng paghayag ng aking nadarama, nagpapakita ng aking munting hakbang ng aking pagbabago. Sana gabayan ako ng Maykapal. Alam ko di Niya ako iiwan. Andyan Siya sa lahat ng oras.
Buhok
“nagpaputol ka ug buhok Grace?”
“hala ningmubo lagi imong buhok, nagpaputol ka? Saying kaayo imong buhok taas n abaya kaayo to.” Those comments made by my friends the moment they see me with my new hair cut.
Nagulat ako sa mga reaction nila. Nagpagupit ako ng buhok para naman maiba kahit papaano. Hindi naman siya ganoon kaiksi pero halata talagang nagpagupit ako. Marami ang nanghinayang kung bakit ako nagpagupit pero hahaba naman ulit, diba? Paano na lang kay kung nagpa-straight ako ng buhok? Ano na lang ang kanilang magiging reaction. Well, talagang ganoon eh.