Monday, February 13, 2012

Para Sayo

Kung di lang rin ikaw, eh di wag na lang
madami nga dyan ngunit, ikaw ang sinisinta
ikaw ang sinisigaw ng puso kong nahihibang
bakit ba hirap ako pigilan ang nadarama?

Aanhin ang pag ibig ng iba?
kung sayo lang ako liligaya,
mahirap ba yung intindihin?
ikaw lang sigaw ng puso ko at wala ng iba.

Relasyong milya-milya ang distanya
mahirap at walang kasiguraduhan, ika nga nila
titiisin ko at maghihintay ako sinta
ako’y sayo at ikaw akin lamang.

Labis ang saya tuwing ikaw ay nakikita
dating nalulumbay kong puso biglang sumigla
bawat araw ay hinaharap ng may ngiti sa labi
inaasam ang makasama ka muli sa iyong pagbabalik.

0 Comments:

Post a Comment



Template by:
Free Blog Templates